BIBLE VERSE DAILY | MATTHEW 19:26



Sino ba ang ayaw magkamit sa buhay na walang hanggan? Hindi ba tayong lahat ay nagsusumikap na maabot ito? Ginagawa natin ang lahat sa abot ng ating makakaya ang lahat: nagdarasal, nagsisimba, tinutupad ang utos at aral ng Diyos at nagkakawanggawa tayo.

Pangarap ng Panginoon na tayong lahat ay kanyang makasama sa kabilang buhay. Ngunit, hindi rin kinukubli sa atin na ang buhay Kristiyano ay hindi madali, may mga pagsubok at pighati tayong mararanasan papunta sa buhay na ating ninanais.

Ngunit WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS! Marahil nasasabi na natin sa ating sarili na “suko na ako, di yata ako makapupunta sa langit dahil sa aking mga sala.” Magkaganoon man, ang mabuting balita ay, lahat ng bagay ay makapangyayari sa Diyos.

source

Write a comment
Verified by MonsterInsights